BINAWI ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ngayong Martes ang Show Cause Order na inisyu laban sa Office of the Solicitor General (OSG) at sa The Manila Times.
Ayon sa source mula sa mataas na korte, nagdesisyon ang en banc na rebisahin ang draft decision ni Leonen hinggil sa order na indirect contempt laban kay Solicitor General Jose Calida at sa reporter ng nasabing pahayagan.
Nais ng SC, umakto bilang Presidential Electoral Tribunal, sa pangunguna ni Chief Justice Diosdado Peralta, na magpokus si Leonen at ang korte sa election protest na inihain ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos laban kay Vice President Leonor Robredo.
Ayon pa sa source, ang PET ay ia-adopt ang Denial of the Inhibition of Leonen sa apela nina Calida at Marcos.
Nauna nang inatasan ng Korte Suprema ang OSG at reporter na si Jomar Canlas na magpaliwanag kung bakit hindi sila nararapat na i-contempt.
Kaugnay ito ng sinasabing leakages ng draft resolution ni Leonen sa election protest ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.
Naniniwala ang OSG at si Marcos na hindi patas si Leonen sa paghawak sa nasabing kaso kaya’t hiniling nila ang pag-iinhibit nito.
Ang naturang pahayag ay nailathala naman sa exclusive report ni Canlas sa Manila Times. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
133 