ITINUTURO ng ilang delivery trucks, health workers at mga manggagawa na kaya hindi sila nakakarating sa kani-kanilang patutunguhan dahil sa mga pasaway na Local Government Units (LGUs) at barangay officials.
Hindi raw po kasi sila pinadadaan ng mga ito sa kani-kanilang ipinatutupad na sariling lockdown sa kanilang lugar.
Kung anu-ano raw pong mga dokumento ang hinahanap ng mga ito sa mga dumadaan sa kanila.
Kaya hindi tayo magtataka kung bakit nauubusan na ng stocks na paninda sa mga groceries at supermarkets.
Duda tuloy ng mga delivery truck na gustong manghingi ng lagay ng LGUs at barangay officials na kanilang dinadaan kaya ganoon na lang sila higpitan ng mga ito.
Maraming beses nang nagbabala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na paparusahan ang mga pasaway na LGUs at barangay officials subalit balewala pa rin sa mga kumag na ito.
Ganoon din si Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa na maraming beses nang nagsabi sa mga checkpoint ng PNP na kailangan padaanin ang delivery trucks, health workers,
manggagawa sa pabrika ng pagkain, telecommunications, media at iba pang may kinalaman sa paglaban sa COVID-19.
Ganoon pa rin, hinaharang pa rin!
Maging si Dr. Antonio Ramos ng Lung Center of the Philippines inamin na ang kanilang ibang medical workers ay hindi makadaan sa mga checkpoint.
Marami sa kanila ang hindi na nakakapasok kung kelan kailangan pa naman dahil sa dami ng kanilang mga pasyente.
Ginagawa na lang nila ay hindi na nila pinauuwi ang kanilang mga kasamahan at sa hospital na nila mismo pinatutulog.
May mga barangay chairman din na nagpapabayad ng kanilang quarantine pass.
Pasaway talaga kayo buwisit!
Hala, sige antayin nyo ang HAGUPIT ng DILG ang titigas ng ulo nyo!
Humingi ng saklolo si Dr. Ramos ng Lung Center of the Philippine
kakapusin na raw po sila ng kanilang Personal Protective Equipment (PPE).
Sana raw po sa may mabubuting loob na mag-donate sa kanila ng PPE.
Ito ay ang parang PPE na ginagamit nilang parang kapote para hindi sila mahawaan ng COVID-19 habang ginagampanan nila ang kani-kanilang mga trabaho.
Sa buong medical workers lang ng Lung Center of the Philippines ay gumagamit sila ng 80 hanggang 100 PPE kada araw.
As of March 23, 2020, Lunes mayroon na lang silang 88 piraso ng PPE.
Ayon pa kay Dr. Ramos kailangan din nila ng ‘isolation gowns’.
Maaaring tumawag sa cell# 0917-582-48-47 ang gustong mag-donate ng PPE at isolation gowns yan po ang celphone ni Dr. Ramos.
Sana po matulungan natin sila kawawa naman sila, 4 na doktor na po ang namatay matapos mahawaan ng COVID-19 mula sa kani-kanilang mga pasyente.
Sila ang mga bayani natin kaya ‘wag natin sila pabayaan.
Mayroon naman daw mabibili pang PPE pero halos limang beses na raw po ang presyo nito mula sa dating P500 ay tumaas na ito ngayon sa P3,000 bawat piraso.
Sus Mio! Grabe ang itinaas wala talagang puso ang mga negosyanteng may hawak nito.
‘Wag kayong ganyan, hindi natutulog si Lord alam niya ang pananamantala n’yo.
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.
