(NI ABBY MENDOZA)
KINUMPIRMA ni Environment Undersecretary Sherwin Rigor na nagsasagawa na ng evaluation ang Department of Interior and Local Government(DILG) sa lahat ng mga Local Government Unit(LGUS) na nakakasakop sa Manila Bay para alamin kung sino sa mga ito ang nagpabaya at hindi tumalima sa nauna nang direktiba ng Korte Suprema na nag aatas na magsagawa ng rehablitasyon ng Mania Bay.
Ayon kay Rigor ang hindi papasa sa evaluation ng DILG ay mahaharap sa kasong administratibo.
Ang hakbang ng DILG at DENR ay kasunod ng isasagawa nitong Manila Bay Clean Up.Malinaw umano sa 2008 SC Decision na inaatasan ang mga LGUs na aksyunan ang mga informal settlers na nakatira sa mga estero sa kanilang nasasakupan kung saan nakadetalye pa umano ang Operational Palm para sa Manila Bay Coastal Strategy subalit hindi ito ginawa ng mga local officials.
Sinabi ng DENR na 70 porsiyento ng basura na itinatapon sa Manila Bay ay galing sa mga kabahayan.
179