LIBRENG LIBING ‘NALIBING’ SA KAMARA

SA mismong araw ng paggunita ng araw ng mga pumanaw, mistulang nalibing na rin ang panukalang batas na dapat sana’y libreng libing para sa mga maralitang walang kakayahang tustusan ang gastusin para sa paghihimlay ng mga namapayapang kaanak.

Ayon kay House deputy minority leader Carlos Zarate, matagal naipasa sa House committee on poverty alleviation ang House Bill 5249 (Free Funeral Services for Indigent Families) subalit hindi pa mrin aniya ito tinalakay sa committee on appropriation para kalakip na pondo.

“Dahil sa dinadaanang pandemya ng ating mga kababayan ngayon na mahigit 40,000 na ang namatay sa Covid19 alone, talagang urgent na din na maipasa ang panukalang batas na ito,” ani Zarate.

Sa katunayan aniya, nagtataasan pa ngayon ang singil ng mga punerarya sa mga naulila ng mga kaanak na namatay matapos tamaan ng Covid-19 at iba pang karamdaman dahil sa mga dagdag rekisitos tulad ng swab test sa mga namatay bago serbisyuhan.

“In the Philippines, dying has become as costly as living itself, especially now under the current crisis aggravated by the Covid pandemic.

This is because most Filipinos already live lives of utter poverty and still die poor and indebted till the end. Funeral services generally are expensive, a stark and difficult reality confronting the large majority of impoverished Filipinos,” dagdag pa ng mambabatas.

Apela ng militanteng kongresista sa liderato ng Kamara, ipasa na ang nasabing panukala upang mabawasan ang pinapasan ng mga mahihirap na Pilipino sa tuwing may papanaw na kaanak. (BERNARD TAGUINOD)

149

Related posts

Leave a Comment