ISINUSULONG ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na mabigyan ng libreng mental health care at psychological support services ang lahat ng biktima ng corona virus 2019 (COVID-19) upang mapangalagaan ang kaisipan ng lahat.
Sa pahayag, sinabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Health na dapat magkaisa ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang concerned
national government agencies upang mapalawak ang libreng mental health care at psychological support services sa panahon ng pandemic.
“Mayroon o walang pandemya, mahalagang tutukan ang mental health kaya dapat lang na matiyak ng gobyerno na maging bukas sa mga mamamayan ang psychological services at assistance,” paliwanag ni Go.
Ayon kay Go, karamihan sa mental concerns ngayon ay anxiety, stress at depresyon na dulot ng pandemya dahil hindi sila nakalalabas ng bahay, marami ang nalulungkot, marami ang nawalan ng
trabaho at hindi alam paanong matutustusan ang pangangailangan ng pamilya at pampaaral sa mga anak.
Ipinaliwanag pa ni Go na ang chronic stress, social isolation at economic difficulties ay malaking factor sa pagkakaroon ng depresyon, anxiety o puwedeng magtulak sa substance abuse o pagkalulong sa droga ng mga Pilipino.
Matatandaang sa report ng National Center for Mental Health, mabilis ang pagtaas ng kaso ng mga tawag sa kanilang crisis hotline matapos ang pagpapatupad ng quarantine restrictions noong
kalagitnaan ng Marso kung saan naitala na mula 400 noong May 2019, umakyat ito sa 876 noong Marso ng kasalukuyang taon.
Sa kabila ng pagpuri ni Go sa effort ng NCMH, nangangamba pa rin aniya siya sa mga hindi naire-report na mga kaso ng mental health disorder kaya naman umaapela siya sa mga concerned government agencies na mas tutukan pa ang mental health issues sa bansa. (ESTONG REYES)
235 