Anong paraan kaya ang gagawin ng Department of Justice upang ‘di man maresolba lahat ay mabawasan man lang ang aabot sa 12-14 na libong kaso na nakabinbin sa DOJ.
Sa isang press briefing inamin mismo ni Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay na natatambakan sila ng mga kaso mula sa petition for review at motion for reconsideration na sinampa sa DOJ na ito umano ay mula sa iba’t ibang litigant sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nilinaw naman ni Usec. Sugay na ginagawa na nila ang pinakamabisang paraan upang maaksyunan at makatugon sa dapat aksyunan sa abot ng kanilang kakayanan.
Depensa pa ni Usec. Sugay na hindi naman lahat ng aabot sa 14 na libong mga kaso ay sa kanilang panunungkulan dahil sa ito na aniya ang kanilang inabutan mula nang sila’y manungkulan noong masipa o matanggal ang grupo ni dating DOJ Sec. Vitaliano Aguirre at mga usec nito sa DOJ.
Ang masaklap lang niyan wala namang datos na inilalabas si Usec. Sugay kung ilang petition for review at motion for reconsideration na ang kanilang naresolba mula nang sila’y manungkulan.
Sana lang magpakatotoo kayo dahil kawawa naman ‘yung mga litigant na naghihintay sa aksyon ninyo!
KAPA KINASUHAN NA NG SYNDICATED ESTAFA
NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Mayroon nang tatlong diumano’y complainant ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa KAPA Community Ministry International Inc.
Ang tatlo ay dalawang babae at isang lalaki na diumano’y nakapag-donate ng mahigit sa kalahating milyong piso sa KAPA subalit wala umanong natanggap na blessing.
Walong bilang ng kasong paglabag sa Article 315 at 316 ng Revised Penal Code ang isinampa ng NBI laban kina Pastor Joel Apolinario, et al.
Kung mayroong batas na nagsasabing labag sa batas ang magbigay ng donasyon sa isang religious group aba’y marami ang makakasuhan ng syndicated estafa n’yan hehe.
Sana ay linawin muna ‘yan ng Korte Suprema kung ang nagbibigay ba ng donasyon sa isang religious group ay labag sa batas.
oOo
Congratulations pala kay Makati City Regional Trial Court Judge Carlito B. Calpatura na bagong talagang Associate Justice ng Court of Appeals. (Pro Hac Vice / BERT MOZO)
