LIVE-IN PARTNERS TIMBOG SA DRUG BUST

CAVITE – Swak sa kulungan ang live-in partners na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, nang madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiskahan ng halos kalahating milyong halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Eric” at “Maribel”, kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya, at matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, nakipagtransaksiyon ang mag-partner sa isang poseur buyer sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Bacoor City Police, sa Brgy. Queens Row East, Bacoor City, Cavite.

Nabulaga ang dalawang suspek na isang pulis pala ang kanilang katransaksyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito dakong alas-1:40 ng madaling araw.

Nasamsam mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P340,000.00.

(SIGFRED ADSUARA)

21

Related posts

Leave a Comment