NASAWI ang isang 73-anyos na lalaki matapos mabangga ng estudyanteng driver habang tumatawid sa kalsada sa Maragondon, Cavite, Martes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima bilang alyas ‘Catalino’, residente ng Brgy. Bucal 4B, Rosario, Cavite. Isinugod pa siya sa ospital pero idinaklarang dead on arrival.
Batay sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-3:40 ng madaling araw sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Bucal 4A, habang minamaneho ng suspek na si alyas ‘Jedrick,’ 20-anyos, ang isang Toyota Vios (plakang NGT 5244).
Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima matapos magkasundo na sagutin ng suspek ang gastusin sa ospital at burol.
Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
(SIGFRED ADSUARA)
127
