HINDI pa huli ang lahat para masagip hindi lang kalikasan kung hindi ang pamumuhay ng bawat indibidwal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng zero waste lifestyle.
Paliwanag ni Senador Loren Legarda, dapat nang simulan ng lahat na umiwas sa paggamit ng plastic at pagtatapon ng basura sa mga ilog.
“Let us welcome the new year with a resolve to be better citizens of the Earth by adopting an eco-friendly, zero-waste lifestyle,” saad ni Legarda.
Naniniwala umano ito na sa pamamagitan ng implementasyon ng Ecological Solid Waste Management (ESWM) Law, at pagpasa sa Senate Bill 1948, o ang Single-Use Plastics Regulation and Management Act of 2018, na magiging tugon para sa pagbabago o zero-waste lifestyle.
Sa ilalim ng ESWM Law, iniimplementa nito ang sistema ng solid waste management kabilang ang segregation ng basura maayos na pagpapatupad ng solid waste.(Noel Abuel)
192