NAGSISIMULA na namang dumagsa sa Andrews Ave. malapit sa Villamor Air Base, Pasay City simula nitong Martes ang mga pasaherong pauwi ng mga lalawigan.
Dahil dito, umapela si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na pansamantalang ipagpaliban ng mga LSI ang kani- kanilang plano hanggang makumpirma ng airline o bus companies ang kanilang mga biyahe.
Sa report na nakarating kay Mayor Emi, nasa limampu katao na ang namataang nagkukumpul-kumpol sa ilalim ng Skyway ramp.
Ayon kay Mayor Emi, nalalagay ang mga biyahero sa panganib na magkaroon ng COVID-19 habang maliit na at malapit nang kapusin ang emergency budget ng lokal na pamahalaan.
“Dapat nating alalahanin na ang virus ay walang nalalamang boundaries. It doesn’t discriminate. It targets people of all ages, and it hits hard,” sabi ni Mayor Emi. (DAVE MEDINA)
