Maagang binabato ng intriga ES RODRIGUEZ PROTEKTAHAN -DEFENSOR

UMAPELA si dating Congressman Mike Defensor sa mga opisyal ng pamahalaan na protektahan si Executive Secretary Vic Rodriguez dahil siya ang pumoprotekta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Ang role niya is to protect the president,” ani Defensor kaya dapat aniyang protektahan si Rodriguez sa gitna ng pang-iintriga sa kanya sa panahon ng tinawag na “honeymoon period”.
“By protecting the Executive Secretary…sa proteksyon mo sa proteksyon office of the president, pinoproteksyunan mo ang Pangulong Bongbong Marcos,”  dagdag pa ng dating kinatawan ng Anakalusugan party-list sa isang TV interview.

Sinabi ng dating Presidential Management Staff (PMS) ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maraming interes umano ang umiiral sa Palasyo ng Malacañang lalo na sa mga appointment.

“Siyempre dyan pa lang sa appointment kanya-kanyang itinutulak kung saan, sino, anong departamento. Pag ang executive secretary mo ay pinoproteksyunan ang Pangulo, siyempre trabaho rin niya yun na hindi makalusot ang mga hindi karapat-dapat,” paliwanag ni Defensor.

Hindi aniya lingid sa lahat na maraming “grupong gustong magtulak ng kanilang appointees” subalit ” isa lang ang pagbibigyan” kaya inaasahan na ang mga hindi napagbigyan ay ang Executive Secretary ang babatikusin.

“Importante na maprotektahan ang mga taong ito particularly si Executive Secretary Vic Rodriguez dahil siya ang nasa gitna ng lahat eh, siya ang naka-proteksyon sa presidente,” dagdag pa ni Defensor.

Wala umanong hangad si Rodriguez kundi magtagumpay ang administrasyon ni Pangulong Marcos para sa maayos na kinabukasan ng lahat lalo na ang mga kabataan. (BERNARD TAGUINOD)

145

Related posts

Leave a Comment