MAGDYOWA NIRATRAT NG TANDEM

IDINEKLARANG dead on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 23-anyos na lalaki habang nasa malubhang kalagayan ang kinakasama nito makaraang ratratin ng bala ng riding in tandem noong Biyernes ng hapon sa Avenida Rizal, Sta. Cruz, Manila,

Kinilala ang biktimang napatay na si Ferdinand Guevarra y Inquillo, habang inoobserbahan naman sa pagamutan ang ka-live in nitong si Erika Ann Gabriel, 20-anyos, kapwa residente ng Brgy. 254 sa Tondo.

Mabilis namang naka-eskapo ang mga suspek na naka-full face helmet lulan ng motorsiklong walang plaka.

Base sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, nangyari ang pamamaril bandang alas-2:00 ng hapon sa Rizal Avenue malapit sa panulukan ng Bambang St. sa Sta. Cruz, Manila.

Nauna rito, lulan ng tricycle ang biktima kasama ang ina nito at ang ka-live in, ngunit pagsapit sa lugar, biglang sumulpot ang magkaangkas na mga suspek at pinagbabaril si Guevarra.

Hindi pa umano nakuntento ang gunman, binalikan ang nakahandusay na biktima at at muling pinagbabaril.

Tinamaan naman sa kaliwang bahagi ng tiyan ang kinakasama nito at masuwerteng hindi nadamay ang ina ng biktima.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit dakong alas-2:30 ng hapon, ideklarang patay na si Guevarra habang inoobserbahan si Gabriel.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD-PS 3, at ng mga tauhan ng MPD-Homicide Section. (RENE CRISOSTOMO)

142

Related posts

Leave a Comment