MAGIC SOPLA SA BUCKS

nba
BALITANG NBA Ni VT ROMANO

NILAMPASO ng defending champion Milwaukee Bucks ang Orlando Magic, 127-110, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila) sa Florida.

Umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 28 points, nagdagdag ng 21 si Khris Middleton at 19 points mula kay Bobby Portis para sa Milwaukee, na ika-10 sunod na beses nang tinatalo ang Orlando, at pang-19 sa huling 23 regular-season meeting ng dalawang koponan. Tumapos si Jrue Holiday na may 18 points (12 sa second half) at 10 assists, habang may 10 puntos si Pat Connaughton (off the bench).

Ikaapat na sunod na panalo rin ito ng Bucks at 10 games above .500 sa unang pagkakataon ngayong season.

Ang Orlando, 2-12 (at home), talo ng tatlong sunod matapos ang back-to-back wins.

Si Franz Wagner, umiskor ng career-high 38 points, mataas ng 10 sa huli niyang iskor at 17th straight game na double figures, para tumabla sa second-longest streak ng isang Magic rookie. Sina Stanley Roberts (1992) at Jameer Nelson (2005) ay nagtala rin ng 17-game streaks, habang si Shaquille O’Neal ang may hawak sa record na 54 (1992-93 season).

Limang Bucks ang nagsanib sa walong triples sa 31-8 first-half run, nagbigay sa Milwaukee ng 49-26 lead. Pinulbos ng Milwaukee ang Magic ng 40-point second quarter para sa 72-45 halftime advantage.

Ang Bucks, may game ­shooting na 35.7% sa 3-point range, ay gumawa ng 13-for-24 sa opening half. Swak lahat ang limang tres ni Portis, bukod dito, may 19 assists pa ang Bucks sa kanilang 26 baskets.

Tinapos ng Milwaukee ang laro na may 17-for-37 (from deep), habang 12-for-39 naman ang Orlando.

Nagawang dumikit ng Magic, 76-66 sa third quarter buhat sa kinamadang 19-0 run, ngunit rumesbak ang Milwaukee at kinuha ang 97-82 lead papasok sa final period.

Sa huling tatlong minuto, hinahabol ng Orlando ang 115-106 score, subalit, isinara ng Bucks ang quarter sa 12-4 run.

Nag-contribute si Wendell Carter Jr. ng 19 points, 10 rebounds at three steals sa Orlando. Nag-ambag si Gary Harris ng 13 points.

Si Magic second-year guard Cole Anthony ay hindi nakalaro sa 11th game ngayong season sanhi ng injury (right ankle sprain), habang si rookie Jalen Suggs ay naka-sideline rin sa huling 13 games bunga ng fractured right thumb.

LOSING SKID
PINUTOL NG LAKERS

NAGPOSTE si LeBron James ng 30-point triple-double, at pinangunahan ang apat pang kakampi sa paglista ng 20 points, para putulin ng Los Angeles Lakers ang five-game skid sa 132-123 road win kontra Houston Rockets, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila) sa Toyota Center sa Texas.

Tumapos si James na may 32 points, 11 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikatlong triple-double. Habang si Russell Westbrook ay inilista naman ang kanyang ikapitong triple-double (24 points, 12 rebounds, 10 assists).

May tig-25 points at 24 points naman sina Malik Monk at Carmelo Anthony, off the bench, ayon sa pagkakasunod.

Naging exciting ang fourth quarter, nang pumabor sa Lakers ang ‘challenge’ nito sa ­goaltending call laban kay James sa huling 2:38.

Sa halip na naghahabol ng isang puntos, 118-117, napanatili ng Lakers ang one-point lead at nadagdagan pa nang magbaon si Anthony ng corner 3-pointer mula sa assist ni Westbrook.

Nakahablot si Westbrook ng offensive rebounds at nagresulta sa dalawang free throws ni James at nagdagdag pa ng dalawang assists para kay James upang selyuhan ang panalo.

Si rookie guard Jalen Green, iniskor ang 14 ng kanyang team-high 24 points sa fourth quarter para sa Rockets, ay bigong mai­angat ang team, na nakakalimang sunod nang talo. May tig-22 points sina Kevin Porter, Jr. at Christian Wood para sa Rockets, na na-outrebound ng Lakers, 48-30 sa kabila nang 53% overall shooting.

Dinomina ni James ang first period bilang sentro. Umiskor ng 13 mula sa 3-pointers at fade-aways, may rebounds at assist.

Nagsanib sina Anthony at Monk sa 15 points sa Lakers’ 35-point quarter, at si James ang naging sentro ng opensiba.

Sa kabila ng first quarter stellar play ni James, angat lang ng isang puntos ang Lakers papasok sa second. Sina Porter at Wood ay may pinagsamang 16 points sa first, at may four assists din si Porter, sa kabila ng 12-day absence.

Dalawang alley-oop dunks ang kinana ni Green mula kay Porter na ikinasiya ng partisan crowd.

Ngunit, kinuha pa rin ng Lakers ang 67-59 lead bago ang break, sa pamamagitan ng 12 fast-break points at 9-for-21 3-point shooting.

Si James ay may 18 points sa half at tatlo pang Lakers ang may double figures.

PELICANS LUSOT
SA CAVS

NAGTALA si Herbert Jones ng season-high 26 points, habang ­iniskor ni Garrett Temple ang lahat ng kanyang 17 points sa fourth quarter, nang ang host New Orleans Pelicans ay malusutan ang Cleveland Cavaliers, 108-104, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila) sa New Orleans.

Nag-ambag si Devonte’ Graham ng 18 points, si Jonas Valanciunas, nagbalik mula sa two-day absence (non-COVID illness) ay umiskor ng 15 points at may 10 rebounds, nagdagdag si Gary Clark ng 12 points para sa Pelicans, wagi sa ikalimang beses mula sa anim na laro, sa kabila ng 23-point deficit sa first quarter.

Si Ricky Rubio naman ay nagsumite ng 27 points at 13 rebounds, 24 points kay Kevin Love, 22 points at seven rebounds kay Evan Mobley at 14 points mula kay Lauri Markkanen para sa Cavaliers.

Iniskor ni Markkanen ang unang apat na puntos sa fourth quarter at 3-pointer ni Love tungo sa 90-78 lead ng Cleveland.

Humirit naman si Temple ng dalawang tres sa 10-0 run at nagawang dumikit ng New Orleans, 95-93.

Naipasok ni Mobley ang ­dalawang free throws, pero sumagot si Temple ng dalawa pang 3-­pointers at kinuha ng Pelicans ang una nitong lead, 99-97, 3:18 sa laro.

Sinundan ito ng 3-pointer ni Graham at gawing lima ang abante ng Pelicans sa huling 1:30.

Inisplit ni Isaac Okoro ang kanyang free throws at humirit si Love ng 3-pointer para tapusin ang 7 1/2-minute field goal drought ng Cavs para makadikit, 102-101, 46 ­seconds na lang.

May dalawang free throws si Valanciunas, mintis ang tres ni Mobley, at swak ulit ang dalawang bonus shot ni Valanciunas sa huling 4.8 seconds.

Nakahirit pa si Love ng 3-pointer, 1.5 seconds na lang, bago muling nagsalaksak si Graham ng dalawang free throws.

Parehong absent ang leading scorers ng dalawang team.

Tinalo naman ng Miami Heat ang Washington Wizards, 119-112; habang nagtala ang Philadelphia 76ers ng 114-109 win kontra Toronto Raptors at nagwagi ang New York laban sa Minnesota Timberwolves, 96-88.

217

Related posts

Leave a Comment