NAGSAGAWA rin pagmamartsa ang grupo ng Hakbang ng Maisug bilang pakikiisa sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo Uno.
Nagsimulang magmartsa ang grupo mula sa Morayta patungong Liwasang Bonifacio sa Maynila kung saan nagdaos ng maikling programa.
Bahagi rin ng programa ang kanilang suporta sa mga tumatakbong senador na ineendorso ni dating pangulong Rodrigo Duterte kabilang si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez.
Bago dinala sa The Hague, The Netherlands ang dating pangulo kung saan siya nakakulong dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC), hayagan ang kanyang suporta kay Rodriguez.
Katunayan, nagpakuha pa siya ng larawan habang itinataas ang kamay nito tanda ng kanyang pag-endorso sa kandidatura nito bilang senador ngayong midterm election.
Si Rodriguez, #56 sa balota ay nangakong tututok sa paglaban sa korupsyon sakaling mahalal ngayong eleksyon.
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
