NAGLUNSAD kahapon ng caravan protest ang grupo ng mga rider upang ipahatid sa mga senador ang kanilang karaingan para sa makatarungang kita lalo ngayong panahon ng pandemya.
Umabot sa 50 Lalamove riders ang lumahok sa protesta na sinimulan sa Pres. Quirino Granstand sa Ermita hanggang sa Senado sa lungsod ng Pasay upang maghatid ng liham sa mga senador.
Nagmula ang mga rider sa Metro Manila, Cavite at Laguna at kasama nila ang Defend Jobs Philippines.
Hiling ng mga ito partikular sa Senate Committee on Transportation na aksyunan na ang problema nila sa commission rate, na kanilang pinababawasan mula 20% ay gawing 15 o 10%.
Iginiit din nila ang pagtutol sa buwanang bag rental fee na P200 na patuloy umanong sinisingil sa kanila.
Iginiit pa ng mga rider na apektado rin sila ng pandemya kaya dapat bigyan sila ng kaunting konsiderasyon.
Hiniling pa ng mga ito na magkaroon sila ng standard rate na P60 hanggang P80 base rate habang may dagdag na P7 hanggang P10 ang kada kilometro. (RENE CRISOSTOMO)
