MALAKING BULTO NG COCAINE BINABANTAYAN SA DAGAT 

coacine19

(NI JESSE KABEL)

HINIHINALANG decoy lamang at may mas malaking bulto ng delivery ng iligal na droga ang isasagawa sa likod ng mga naglulutangan cocaine sa karagatan kaya mas pinaigting ngayon ang seaborne patrol operation ng  pinagsanib na puwersa ng Phillippine Navy;  PNP Maritime Group at Philippine Coast Guard para ma-intercept o maprevent ang mga shipment.

Aminado ang Philippine National Police at Philippine Navy na talagang challenge ang napakalawak na karagatan at mahabang coastal areas para matutukan ang pagpupuslit ng droga sa pamamagitan ng karagatan.

Hindi rin sinasalungat ng  PDEA na maaaring decoy lamang para sa mas malaking delivery ang mga naglulutangang cocaine sa karagatang sakop ng Bicol area at Caraga region.

Isa sa mga pinag-aaralan ng mga awtoridad ay yung mga natagpuang bloke ng cocaine na may mga markings na Ingles at ibang banyagang salita.

“So, isa sa mga anggulo na tinitingnan  diyan  ay intended ang mga ito sa mga buyers sa ibang bansa,” pahayag ni PNP spokesperson Bernard Banac.

Kamakailan ay umaabot umano sa 77 kilo ng shabu na tinatayang aabot sa kalahting bilyong piso ang halaga sa lalawigan ng camarnines Norte, Suriagao del Sur at Dinagat Island.

Target ngayon ng PDEA, PNP at maging ng Coast Guard ang Navy na alamin ang pinanggalingan ng mga droga at sino ang mga naghulog nito sa karagatan at para kanino talaga ang mga shipments na
ito.

Una rito hinala ng PNP na parang nagkaroon ng problema ang kanilang (drug syndicate)  recovery system, maaaring nasira yung marking system nila, yung GPS kaya ito ay nawala at napadpad sa mga dalampasigan sa ating bansa, ani Banac.

Ayon pa kay Banac “patuloy  natin pinagtatahi-tahi ang  mga impormasyon nang sa ganun makabuo tayo ng isang larawan kung paano ito nangyari at paano natin mahuli kung sino man ang nagdala nito sa ating mga karagatan,” ani Banac.

200

Related posts

Leave a Comment