MANDANAS KINASTIGO NG NETIZENS SA NAPABAYAANG LAUREL DISTRICT HOSPITAL

INAKUSAHAN ng netizens si Batangas Gov. Hermilando Mandanas ng pagpapabaya sa Laurel District Hospital, na ngayo’y hindi na mapakinabangan ng publiko.

Ibinahagi ng Facebook page na Asbagan Na ang mga larawan ng ospital na nagpapakita ng mga sira-sirang pasilidad, sirang kagamitan, at hindi malinis na kondisyon.

Ang mga larawan ay may caption na “Laurel District Hospital, sira dahil sa kapabayaan. Dodo Mandanas, kinamkam lang ang pondo ng mga ospital at pinabayaan na!”

Dahil dito, umani ng batikos mula sa mga netizen si Gov. Mandanas dahil sa pagkukulang niya sa pag-aalaga sa nasabing ospital na mahalaga sa serbisyong pangkalusugan ng komunidad.

“Hay nako, di man lang nag-iisip tong Mandanas na to. Imbis na mapakinabangan pa ng mga tao eh… Sayang ang pera na ginastos dyan,” komento ng isang netizen.

Mayroon ding nagpahayag ng pagkadismaya sa umano’y pagsasayang ng pera ng bayan at inakusahan si Mandanas ng pagbulsa sa pondo na para sana sa pagpapabuti ng ospital.

“Ang laki ng nagastos jan tapos pinabayaan lang… Wala ka talagang kwentang matanda ka!” giit ng isang netizen.

“Imbis na ayan ang unahin kasi buhay ng tao ang nakasalalay, mas inuna niya pa talaga ang bulsa niya,” dagdag pa ng isa.

“Ang kaibahan laang nareng mga district ospital ay wala are sa loob ng kanyang pantalon, pero bakit ga yung budget sa mga are eh mukhang napunta na sa mga bulsa ni Gov?” sabi pa ng isa.

11

Related posts

Leave a Comment