BILANG paghahanda sa “The Big One”, nagkasa ng earthquake drill ang Manila Health Department (MHD) nitong Miyerkoles.
Kasunod ito sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na magsagawa ng sabayang earthquake drill sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila.
Maingat na lumikas mula sa kanilang opisina ang mga empleyado palabas ng gusali at nanatili sa open space.
Ayon sa MHD, layon ng pagsasanay na matiyak na masusunod ang emergency protocol at magkatugon nang tama ang mga empleyado sa paglikas kung sakaling biglang lumindol.
(JOCELYN DOMENDEN)
