MANILA WATER CONSUMERS NAGBABAYAD SA PLANTA NA HINDI GUMAGANA

CARDONA12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINUWESTIYON ni House Assistant Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep Bernadette Herrera-Dy ang advanced payments na sinisingil ng Manila Water sa kanilang water consumers para sa isang pasilidad na naantala ang operasyon.

Tinukoy ni Dy ang Cardona treatment plant na bahagi ng business plan ng Manila Water noong 2008.

Makapagbibigay sana ang planta ng 100 million liters ng tubig kada araw, subalit  partial operation lamang ang nagawa nito noong  March 14, o walong araw matapos maranasan ang water shortage.

Kinumpirma ni Ty na kasama sa binabayaran ng consumers ang naturang planta na lalong ikinagalit ng mga mambabatas dahil hindi umano ito naaayon sa concession agreement.

Bunga nito umapela ang lady solon kay  Pangulong Rodrigo Duterte na i-demote sina Ty at Administrator Reynaldo Velasco at palitan sila ng mga taong eksperto, iminungkahi din nito na maglikha ng bagong tanggapan sa ahensya na tututok sa asset management at audit valuation ng lahat ng water facilities na itinayo ng concessionaires.

Gayundin ang hiling ni House Senior Deputy Minority Leader at Buhay partylist Rep Lito Atienza, aniya, malinaw na ang MWSS ang may pagkukulang sa kanilang tungkulin, aniya, dapat itigil ng mga opisyal ang pagpapaliwanag gamit ang statistics dahil malinaw na palpak ang performance nila at hindi ito naiintindihan ng publiko maliban sa kawalan ng tumutulong tubig sa gripo.

Giit pa ni Atienza na pinapayagan ng MWSS ang patagal nang patagal na deadline sa pagtatayo ng treatment plant , dapat ay noong 2008 pa ito natapos subalit hindi na-ideliver at walang hakbang na ginawa ang ahensya.

119

Related posts

Leave a Comment