MANILEÑO WAGI SA TUGON NG MPD KONTRA BAGYO

SA kabila ng pinakamataas na antas ng babalang kalakip sa pagpasok ng bagyong Karding sa National Capital Region (NCR), hindi naman gaanong naging sakit ng ulo sa hanay ng mga residente ng lungsod ng Maynila ang tagpo sa mga lansangan.

Sa kalatas ni Manila Police District (MPD) public information chief Major Philip Ines, tinokahan ni MPD Director Brig. Gen. Andre Dizon ang mga hepe ng 14 na presinto para tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan, seguridad sa mga lansangan, mabilis na paglikas ng mga pamilyang nasa peligro at kaayusan sa mga itinakdang evacuation centers sa lungsod.

Aniya, libreng sakay sa mga stranded na pasahero ang inatupag ng mga istasyon ng MPD kabilang ang Tondo Police Station sa pamumuno ni Lt. Col. Gene Licud, Sta. Cruz Police Station sa pangunguna ni Lt. Col. Ramon Solas at Plaza Miranda Police Community Precinct na kumpas naman ni Capt. Roel Robles.

Mahigpit naman ang pagbabantay sa mga nasasakupang lansangan ng MPD Sampaloc Police Station sa pamumuno ni Lt. Col. Paul Jady Doles at Sta. Ana Police Station sa pangunguna ni Lt. Col. Orlando Mirando Jr.

Tiniyak naman ng Moriones Police Station ni Lt. Col. Harry Lorenzo, Binondo Police Station chief Lt. Col. Rexon Layug, Delpan Police Station ni Lt. Col. Cristito Acohon at Baseco Police Station ni Lt. Col. Rodel Borbe ang kaayusan sa mga itinalagang evacuation centers sa kanilang nasasakupan. (RENE CRISOSTOMO)

304

Related posts

Leave a Comment