APPOINTMENT NG KALIHIM NG DAR, DENR AT DOT LUSOT NA SA CA

LUSOT na sa Commission on Appointments ang ad interim appointments ng mga kalihim ng tatlong ahensya ng gobyerno.

Sa katauhan ito nina Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III,  Department of Environment and Natural Resources Secretary Ma. Antonia Yulo Loyzaga at Department of Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco.

Kabilang sa mga natanong kay Estella ang posisyon nito sa isyu ng conversion ng mga lupa sa commercial use.

Ayon sa kalihim, wala siyang pagtutol dito pero nilinaw na ang utos sa kanya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ay tiyaking hindi mako-convert ang mga lupaing irrigated.

Isa naman sa isyung pinasagot kay Loyzaga ang problema sa basura kung saan tinalakay ang posibilidad ng pagkakaroon ng incineration facility ng Pilipinas.

Sinabi ni Loyzaga na kasama sa kanyang prayoridad ang mga proyekto at programa na magsusulong sa zero waste policy.

Kabilang naman sa tinalakay sa pagdinig sa appointment ni Frasco ang mga posibleng hakbang na gawin para sa promosyon ng mga tourist spots sa bansa.

Isa sa suhestyon ay ang pakikipagpulong sa ilang filmmakers kasama na ang mga international company, para maisama sa kanilang mga pelikula ang mga lugar sa bansa.

Bukod sa mga kalihim, inaprubahan din ng CA ang promotion sa 63 opisyal ng AFP. (Dang Samson-Garcia)

237

Related posts

Leave a Comment