COACH OLI NEWS PH
ANO ang makabagong pagfi-flex ng muscles? HUMAWAK SA TUNGKOD.
Naniniwala ako na ang pagpunta ni PRRD sa China at pagharap kay President Xi Jinping ay isang paraan ng pagpi-flex ng muscles. Alam ng China na “powerful” pa rin si PRRD. At ang relasyon ng Pilipinas at China ay gumanda lalo na noong panahon ng pamumuno ni PRRD.
Tatandaan po natin na sila ang pangalawa sa pinakamalakas na bansa sa buong mundo. At ako’y naniniwala na ang pinakamalakas pagdating sa influence ay si PRRD pa rin, kahit ngayon na wala na siya sa posisyon.
Sabi nga ng isang international expert, mas kailangan natin ang China kaysa tayo ay kailangan nila pagdating sa kalakalan. Maaaring tayo ay hindi “existing” sa China pagdating sa trade, pero kailangan natin sila pagdating sa negosyo.
Si PRRD ay kakaiba ang koneksyon. Siya lang ang presidente ng Pilipinas na tapos na ang termino, pero ipinapanawagan pang bumalik. Ganoon po kalakas ang karisma, karakter, ang power. LAHAT na kay PRRD na.
At hindi lingid sa lahat, na sa pinakahuling survey ay number 1 pa rin si VP Sara para maging presidente sa 2028. So, whether you like it or not, multo ito doon sa mga inggit sa apelyidong DUTERTE. Baka hindi sila makatulog dahil sa apelyidong Duterte.
At ang pagkikita nila ni President Xi Jinping ay pagpapakita ng muscles ni PRRD. Marami po sa mga kababayan natin ang nais nang pabalikin si PRRD sa panunungkulan. Una, sawa na sila sa mga nangyayari sa kasalukuyang administrasyon. Pangalawa, naikukumpara ito kay PRRD. Public knowledge naman na nagkakaroon ng comparison ang dalawang lider – PBBM at PRRD.
Alam ng lahat ang pagkakaiba ng dalawa. Marcos EDCA, PRRD China. Lantaran ang pagkontra ni PRRD sa EDCA. Kaya nga may nagsasabi na ang pagpunta daw niya sa China ay parang pagkiskis sa pagmumukha ni PBBM na hindi tayo dapat sa EDCA. Alam ni PRRD na pabor ang gobyernong ito sa mga Amerikano.
Ayon kay Senator Bong Go, nagpunta si PRRD doon para sa inagurasyon ng isang school building na ipinangalan sa kanyang ina. Nilinaw naman ni PBBM na alam niya ang byahe ni PRRD sa China. Hindi naman daw nito minasama ang byaheng ito at bukas siya kung tutulong si PRRD sa komunikasyon sa China.
Ngunit marami pa rin ang nag-iisip na may mas malalim na dahilan ang muling pagkikita nina PRRD at President Xi Jinping. Masisisi ba natin ang ating mga kababayan na may ganitong pag-iisip?
Paliwanag naman ng isang political analyst, maaaring ang pagpunta ni PRRD sa China ay para magbigay ng balanse sa mga nangyayari. Na kahit tayo ay involved pa rin sa EDCA, mayroong isang PRRD na magiging tulay na maipagpatuloy ang pagkakaisa at ang relasyon ng China at Pilipinas.
At alam natin, VP ang kanyang anak.Hindi man siya nagsasalita palagi pero hindi lingid sa ating kaalaman ang naging impact ng kanyang statement na “IN YOUR AMBITION, DO NOT BE TAMBALOSLOS”. One false move, ang pagmano niya kay GMA. Kaya mag-ingat dapat sila sa pambibintang.
Pero kung ako ang tatanungin, mas maganda na matuloy ‘yang sa ICC. Hindi dahil galit ako kay PRRD, kung hindi para magising ang sleeping giant na DUTERTE.
228