NABULAGA ang isang sundalo na mga holdaper pala ang dalawang motorcycle riders na sana ay kanyang tutulungan ngunit tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng cash, cellphone at service firearm sa Kawit, Cavite noong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang mga suspek na parehong nakasuot ng itim na jacket, half face helmet, naka-balaclava at sakay ng motorsiklo. Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Muhamedan”, isang sundalo na nakatalaga sa Villamor Air Base, sakay siya ng kanyang motorsiklong Suzuki Raider 150, patungo sa kanyang trabaho sa Villamor Airbase sa Pasay…
Read MoreDay: April 14, 2026
LOCAL TESTING CENTERS SA 2026 SHARIAH SPECIAL BAR EXAMS, IBINANDERA NG SC
IBINANDERA ng Korte Suprema ang listahan ng mga unibersidad na magsisilbing testing centers para sa 2026 Shariah Special Bar Examinations. Ayon sa Supreme Court, ito ay ang mga sumusunod: New Era University School of Management Building sa Quezon City; Mindanao State University-Iligan Institute of Technology sa Iligan City; Ateneo de Davao University Senior High School Campus sa Davao City; at Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga del Sur. Simula naman ngayon, Abril 15, maaari nang makita at ma-access ng mga kukuha ng pagsusulit ang kanilang Local Testing Centers sa pamamagitan…
Read MoreSC PINAWALANG-SALA LALAKING NAHULIHAN NG KUTSILYO NOONG 2018 ELECTIONS
PINAWALANG-SALA ng Korte Suprema ang isang lalaki na inaresto at nakulong matapos maaktuhang may dalang kutsilyo noong 2018 elections. Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, sinabi ng Korte Suprema na hindi napatunayan ang paglabag sa Section 261(p) ng Omnibus Election Code. Nilinaw ng SC na ang pagbabawal sa pagdadala ng armas tuwing eleksyon ay pangunahing tumutukoy sa mga baril at reguladong armas, at hindi agad saklaw ang mga patalim tulad ng kutsilyo. Gayunman, sakop lamang ng pagbabawal ang mga kutsilyo kung ito ay dala sa loob…
Read MoreDMW, ‘DI PA NAGBABAYAD SA COURIER NG BALIKBAYAN BOXES
RAPIDO ni PATRICK TULFO ILANG linggo na ang nakalipas matapos ang pag-deliver ng nasa 25 container na naglalaman ng mga abandonadong balikbayan boxes na ipinadala ng Makati Express at Tag Cargo. Pumayag na nga sa P5 milyon ang Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) na siyang naatasang i-deliver ang abandonadong balikbayan boxes na nakatengga sa Bureau of Customs (BOC), sa offer ng Department of Migrant Workers, ngunit hindi pa ito nababayaran. Kung susumahin, nasa 5,000 ang mga nabulok at nawasak na balikbayan boxes na natengga sa BOC sa loob…
Read MoreLateral Attrition Law ipatupad! Cash reward sa BOC employees ibigay na!
ON THE LEVEL ni JUNEX DORONIO SA gitna ng patuloy na panawagan para sa reporma sa gobyerno, isang malinaw na usapin ang hindi dapat ipagwalang-bahala: ang karapatan ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang ipinangakong benepisyo—lalo na ang cash reward na matagal nang hindi naibibigay. Hindi maikakaila ang kahanga-hangang tagumpay ng BOC nitong 2025. Nakapagtala ito ng rekord na koleksyon na umabot sa P934.4 bilyon—mas mataas ng P17.7 bilyon o 1.9% kumpara noong 2024. Sa kabila ito ng mga hamon tulad ng mababang volume ng importasyon at…
Read MoreKABUHAYAN NG MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA, DAPAT MATUGUNAN KAHIT MALUGI ANG GOBYERNO – SEN. BONG GO
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, muling nabibigyang-diin ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa. Sabi nga, sila ang gulugod ng food security ng Pilipinas—ang mga magsasaka at mangingisda na araw-araw ay nagsusumikap upang may maihain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino. Ngunit sa kabila ng kanilang mahalagang papel, tila sila pa ang higit na naaapektuhan ng krisis. Habang tumataas ang presyo ng pagkain sa merkado, kabaligtaran naman ang nangyayari sa kanilang kita, patuloy itong…
Read MoreDEADLINE NG ITR EXTENDED HANGGANG MAYO 15
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng deadline ng paghahain ng 2025 annual income tax return (ITR) mula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2026. Ayon sa Pangulo, layunin ng extension na mabigyan ng sapat na panahon ang mga taxpayer upang maayos na makapaghain ng kanilang ITR at makumpleto ang mga kinakailangang dokumento nang walang penalty o surcharge. Sa kanyang social media post, sinabi ni Marcos na malaking ginhawa ang dagdag na isang buwan, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. “Ginawa natin ito para mas…
Read MoreP178-M CONTAMINATED FROZEN MEAT, FISH NASAMSAM NG BOC
TINATAYANG P178 milyong halaga ng kontaminadong frozen meat at isda ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) mula sa 22 abandonadong containers sa Manila International Container Port. Pinangunahan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksyon habang kinumpirma ng Customs Intelligence and Investigation Service ang sirang cold chain na nagdulot ng pagkatunaw ng mga produkto. Naglabas ng Notices of Violation ang Bureau of Animal Industry at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources laban sa importer dahil sa paglabag sa Food Safety Act. Isasailalim sa disposal ang mga shipment na may…
Read MoreUnconstitutional – Comelec BSKE BUDGET ‘DI UBRANG PANTAPAL SA FUEL CRISIS
MAAARING ituring na labag sa Konstitusyon ang pag-realign sa iba pang prayoridad ng gobyerno sa pondo na hindi nagamit ng Commission on Elections (Comelec), sa harap ng posibleng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon ito kay Comelec Chairman George Garcia, habang isinusulong ng ilang mambabatas ang pagpapaliban sa BSKE at ang muling pag-realign ng mga hindi nagamit na pondo nito para sa pagtugon ng gobyerno sa krisis sa enerhiya. Ayon kay Garcia, maaaring ipagpaliban ang eleksyon dahil iyan aniya ay kapangyarihan ng mga mambabatas subalit kung gagamitin…
Read More