PRO HAC VICE Ni BERT MOZO
POSIBLENG ikatutuwa ng mga magsasaka ng bansa ang ginawang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa pagpapalabas ng mahigit sa walong bilyong pisong Notice of Cash Allocation para sa Department of Agriculture (DA).
Ang naturang pondo ay gagamitin bilang ayuda sa 1.5 milyong kuwalipikadong mga magsasaka para sa 3rd at 4th ng 2022.
Bunsod nito ay inaasahang makatatanggap ng P5,000 ang mga benepisyaryo alinsunod sa implementation ng Rice Farmers Financial Assistance Program para mabigyan ng suporta ang mga magsasaka na apektado ng RICE TARIFFICATION LAW.
Pabor si BUDGET SECRETARY AMENAH PANGANDAMAN, na maayudahan at mabigyan ng tamang pag-aaruga ang ating mga magsasaka na patuloy na nakikipaglaban sa nakaraang mga kalamidad.
Samantala, saklaw rin ng Notice of Cash Allocation ang service fee kabilang ang paggawa ng card para sa RICE COMPETITIVE ENHANCEMENT FUND sa ilalim ng Development Bank of the Philippines (DBP).
***
DEPARTMENT OF WATER NAPAPANAHON.
NAGHAIN ng panukalang batas o HOUSE BILL 482 sa Kongreso si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo’y Senior Deputy Speaker ng Lower House, upang bumuo ng departamento na siyang mangangasiwa sa yamang tubig ng bansa.
Tatawagin ang nasabing tanggapan bilang DEPARTMENT OF WATER, IRRIGATION, SEWAGE AND SANITATION RESOURCES MANAGEMENT na gagawa ng mga polisiya upang maiwasan na ang magkakasalungat na mga polisiya kaugnay ng suplay ng tubig at sewage and sanitation management.
Sa naturang panukalang batas ay pangangasiwaan ang naturang departamento ng kalihim o secretary at limang undersecretaries.
Samantala, ang pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos ay ikinalungkot ng buong bansa.
Kaugnay nito’y idineklara ng Malacañang ang sampung araw na NATIONAL MOURNING sa bansa na sinimulan noong July 31, 2022 dahil sa pagpanaw ng dating Pangulong Ramos noong nakalipas na July 30, 2022.
Nakasaad din sa naturang deklarasyon na ilagay sa half-mast ang bandila ng PILIPINAS sa lahat ng mga gusali at mga tanggapan alinsunod na rin sa probisyon ng REPUBLIC ACT NO. 84-91 O FLAG AND HERALDIC CODE OF THE PHILIPPINES.
176 