NAKATITIYAK ng mas maraming benepisyo ang mga Pag-IBIG Fund member kasunod ng itinakdang pagdaragdag ng kontribusyon.
Ayon sa ahensya, “doubled savings at higher cash loan entitlements” ang matatamasa ng miyembro gayundin ang access sa abot-kayang home loans.
Nakatakdang magtaas ang monthly contribution rate ng mga miyembro at employers nito simula sa susunod na buwan.
Sa ilalim ng bagong monthly contribution rate, ang monthly savings ng Pag-IBIG Fund members para sa share ng mga empleyado at sa mga employer ay tataasan ng P200 kada isa mula sa P100.
Sinundan nito ang adjustment sa maximum monthly compensation na gagamitin sa pagko-compute ng required na 2% employee savings at 2% ng employer share for Pag-IBIG Fund members, na ngayon ay tumaas sa P10,000 mula sa kasalukuyang P5,000.
“We at Pag-IBIG Fund have long recognized the need of our members to have higher savings that shall provide them with decent and fair returns upon their retirement, as well as higher cash loans to help them during times of need. By implementing the new Pag-IBIG Monthly Savings Rates of both members and employers originally scheduled in 2021, not only would we be able to improve the benefits of our members, we would also be better equipped to finance the growing demand for home loans of our members while maintaining our affordable rates. All these are in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide Filipino workers with opportunities to gain comfortable and productive lives,” ang paliwanag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Noong 2019, inaprubahan ng mga opisyal ng ahensya na itaas ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito pagsapit ng 2021 dahil sa lumalaking pautang nito.
Samantala, ikinatuwa ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta ang pagsuporta ng mga stakeholder, at siniguro sa mga miyembro ang “better benefits” sa ilalim ng bagong monthly contribution rate.
(CHRISTIAN DALE)
279