MASAYANG Pasko ang naghihintay sa mga residente ng Kalakhang Maynila ngayong taon.
Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr., na “We are on the right track right now” sa bilang ng mga nabakunahan na sa Kalakhang Maynila kaya’t posible aniya na maging maganda at masaya ang Pasko ng mamamayang Filipino.
Sa katunayan ani Abalos ay 11.7 milyong doses na ang naibigay sa Kalakhang Maynila tapos aniya kahapon o tatlong araw na ang nakalilipas ay 43.75% ang nakakadalawang dosage na umabot na aniya sa 4.2 million; at ang nabigyan ng first dose ay 7.4 million o 76%.
Bukod dito, pipilitin nila sa Metro Manila Council na umabot sa 50% ng NCR population ang magiging fully vaccinated ngayong huling linggo ng Agosto.
“But what is important to point out, siguro mga 7,445,911 o higit-kumulang 75.98 ng nabakunahan ay first dose ‘no, first dose po iyan. Once mag-second dose po iyan ay napakarami nitong grupong iyan at siguro anytime na po iyang second dose na iyan.
Tandaan po natin, basta ang ibang bakuna like Sinovac, iyong iba ay, more or less, four weeks. Iyong iba naman like Astra is about two to three months ‘no. So basta pumasok po ang two doses nito, kayang-kaya pong ma-hit po iyon,” ani Abalos.
Masayang ibinalita rin Abalos na napakaganda ng outcome ng pagbabakuna sa mga senior citizen dahil halos protektado na aniya laban sa covid 19 ang mga lolo at lola sa Metro Manila.
“Iyon pong first dose ay 92% ng lahat ng senior citizens ay bakunado at 78% ng lahat ng lolo at lola ang dalawa na ang bakuna or sabihin na natin na completely protected. So napakagandang numbers na ito kasi po iyon po ang naging strategy ng mga MMC or mga mayors at ng national government na unahin iyong talagang, sabihin na natin, pupuwedeng maapektuhan ng COVID at sila po madalas ang naoospital ang senior citizens at persons with comorbidities,” ayon kay Abalos.
Samantala, sa kabila aniya ng pagtaas ng bilang ng mga nababakunahan sa Metro Manila ay patuloy pa rin naman ang pagdami ng mga lugar na sumasailalim sa granular lockdowns.
“Well, actually sa totoo lang ‘no, hindi po kasi kayang bigyan ng ayuda ng local government unit ‘no. Under the system, iyon pong pagkain ay talagang sagot ng LGU para hindi sila makalabas. Dahil once lalabas po sila, baka makahawa sila dahil very contagious po itong [Delta variant].,” ani Abalos.
“Pero hindi ho bale, nakipag-ugnayan na po ako sa ating NEDA, kay Secretary Karl Chua, and I’m asking him na baka tumagal ito. Kung sakali mang tumagal, could there be a cost sharing program kung maaari lang, dahil siyempre there will come to a point na talagang medyo mabigat na rin po ang gastusin. There should be a system in place. Pero pag-uusapan po namin ito kung papaano po ang puwedeng mangyari,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

137