KINUMPIRMA ng Malakanyang na nirekomenda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na taasan ang minimum volume ng pork imports ng 350,000 metric tons (MT).
“This is to immediately augment the supply of pork, stabilize increasing prices, and address the pressing issues on food security,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kamakailan, tinitingnan ng Department of Agriculture (DA) na taasan ang minimum access volume (MAV) para sa baboy na 400,000 MT mula sa kasalukuyan 54,000 MT bunsod na rin ng pagbaba ng suplay ng baboy sa bansa dahil sa African swine fever.
Ang MAV ay tumutukoy sa volume ng natatanging agricultural commodity na maaaring imported na may mababang taripa.
Sinabi naman ni Pork Producers Federation of the Philippines (PPFP) Vice President Nicanor Briones na ang nasabing pagtaas ay magbebenepisyo lamang sa importers. (CHRISTIAN DALE)
190
