Ni VT ROMANO
WALANG sweep sa Western Conference finals.
Ito’y makaraang kumayod si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at nine assists upang makaiwas ang Dallas Mavericks sa sweep mula sa kamay ng Golden State Warriors via 119-109 win, Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila) sa American Airlines Center sa Dallas sa Western Conference finals.
Ikasampung double-double sa 14 games ng postseason ito para kay Doncic, nakakuha rin ng tulong mula sa mga kakampi upang ma-extend pa ang best-of-seven series. Sa Game 3, bagama’t umiskor ng 40 points, 0-for-10 shooting naman si Reggie Bullock at may seven misses din sa 3-point range.
Sa Game 4, nag-ambag si Dorian Finney-Smith ng 23 points habang si Bullock 18 buhat sa 6-of-10 shooting, lahat galing sa 3-point range. Nagdagdag si Jalen Brunson ng 15 points, kung saan nagtala ang Mavs ng 20-of-43 3-pointers.
Naputol ang nine-game winning streak ng Warriors sa Western Conference finals games, bagama’t kontrolado pa rin ng Golden State ang serye na babalik sa California para sa Game 5 sa Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).
Si Stephen Curry, may 20 points at nagbalik sa laro sa natitirang 3:22, unang salang niya sa fourth quarter, matapos mahabol ng Warriors ang 29-point deficit at gawing walo, 110-102. Subalit, hanggang doon na lamang nakadikit ang Warriors kahit isa-isang nagbalik sa laro ang iba pang starters.
Kasunod nito, nag-drive si Doncic at nag-dunk, at naisalpak naman ni Bullock ang ikaanim niyang 3-pointer.
Wala pang NBA team ang nakabalik mula sa 3-0 deficit at nanalo sa series. Tanging tatlo mula sa 146 teams na nalugmok sa 3-0 ang nakahirit ng seventh game.
Nag-ambag naman si Jonathan Kuminga ng 17 points at 13 points kay Andrew Wiggins para sa Warriors.
Nagkaroon pa ng 16-minute rain delay, nang magsimula ang second half at itigil sanhi ng tagas ng ulan mula sa bubong ng American Airlines Center. Malakas ang ulan sa labas at may dalawang tulo, isa rito malapit sa Golden State bench.
Mula sa tres ni Doncic, naitala ng Mavs ang 81-56 count, 6:57 sa third quarter, ito ang pinakamalaking lead ng Dallas.
Na-foul si Draymond Green sa sumunod na play, sa kanyang unang free throw attempt tumigil ito sa likod ng rim. Matapos pumosisyon sina Doncic at Green sa lane at natatawa sa nangyari, bago tuluyang nalaglag ang bola. Mintis din ang second attempt ni Greene, at na-rebound ni Doncic.
Hawak ng Mavs ang 62-47 halftime lead buhat sa layup ni Doncic, bilang sagot sa basket ni Curry sa kabilang dulo.
