MAVS KINUYOG NG KNICKS

UMISKOR si Julius Randle ng 26 points nang tambakan ng New York Knicks ang host Dallas Mavericks, 107-77, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila).

Ikalimang sunod na panalo ito ng Knicks laban sa Dallas at ikatlong sunod din matapos ang seven-game losing streak, para umangat sa 3-2 sa season-long seven-game road trip, kung saan nag-ambag si RJ Barrett ng 18 points sa New York.

Mintis ang Mavericks sa una nitong 19 3-point shots, at naitala ang lowest-scoring first half sa season, 28 points. Naghahabol ang Dallas 61-34 sa halftime at nasira din ang five-game winning run nito.

Iniskor ni Luka Doncic ang 17 ng 31 points niya sa third quarter, nang makadikit ang Mavericks sa 14 puntos bago ang magkasunod na buckets ni Randle para sa Knicks.

“I love the way our guys are coming out and the intensity that we’re playing with and the ­togetherness on both sides of the ball,” wika ni New York coach Tom Thibodeau. ”The challenge doesn’t stop. We can’t feel too good about ourselves.”

Naghahabol ang New York para sa final play-in spot sa Eastern Conference, winalis ang two-game season series mula sa playoff-bound Mavericks sa pamamagitan ng winning average 26.5 points.

May shooting ang Mavericks na season-worst 13.6% sa long range (6-of-44) at 31.3% overall, kung saan si Reggie Bullock, 0-of-8 at hindi nakaiskor, habang sina Jalen Brunson, Davis Bertans at Maxi Kleber ay may pinagsamang 14 sablay.

”It was probably our best defensive performance of the year,” ani Randle.

Tanging si Doncic ang Dallas starter na may double figures sa paglista rin ng Mavericks ng season-low 11 assists.

”We might have over dribbled a little bit, but we had great looks,” komento ni Dallas coach Jason Kidd. ”Sometimes you’re going to lose a game. Tonight was the night. We had a great homestand.

You can’t let one game ruin that, and we’re not. It’s over.”

Ang limang New York starters ay may double figures, mula sa double-doubles nina Alec Burks (15 points at 11 rebounds) at Mitchell Robinson (11 at 11) at si Evan Fournier (10 points).

Ang Dallas native na si Randle ay bumawi mula sa poor start shooting at tumapos na may 8-of-19, kasama ang eight rebounds at five assists. Umiskor siya ng 44 points sa Mavericks sa nakaraang season at kagagaling lang sa career-best 46 points mula sa 131-115 win versus Sacramento Kings.

POP, SPURS SILAT
SA RAPTORS

PINIGIL ni Fred VanVleet (26 points) at ng Raptors ang coronation ni Gregg Popovich bilang winningest coach sa NBA history, matapos talunin ng Toronto ang San Antonio Spurs, 119-104.

Si Popovich ay tumabla sa kaibigan at mentor na si Don Nelson sa 1,335 regular-season victories.

”Obviously, we have a competitive pride and professional pride,” lahad ni VanVleet. ”With as much respect to Pop and what he’s been able to do in his career, we didn’t want to be the team that he won against.

So, that was a little bit of ­added motivation.”

Sa Biyernes laban sa Utah Jazz ang susunod na pagkakataon ng San Antonio para maitala ang rekord ng kanilang 73-year-old coach.

Si VanVleet ay 7-for-15 sa field sa kanyang pagbabalik-aksyon kasunod ng five-game absence sanhing knee soreness. Nagsumite naman sina Scottie Barnes at Pascal Siakam ng tig-20 points sa Toronto, na pinutol ang kanilang three-game skid.

Papasok sa laro, ang Spurs ay 3-36 sa tuwing naghahabol ng double digits, bagay na sinamantala ni VanVleet at ng Raptors at sinigurong magpapatuloy ang trend na iyon ng San Antonio.

Umabante ang Toronto ng 17 points sa kanilang unang panalo sapol nang talunin ang Brooklyn Nets noong Marso 1.

Limang manlalaro ng Toronto ang may double figures habang nagtala ng 48% sa field at 37% 3-pointers.

Matapos maibaba ni Murray ang San Antonio deficit, 91-86 tatlong minuto papasok sa final period, naitakbo ng Toronto ang 8-0 run at bawiin ang kontrol sa laro.

Si Keldon Johnson ay may 27 points para sa San Antonio, habang nagdagdag si Murray ng 25 points, 12 assists at nine rebounds. Talo ang Spurs sa lima ng anim nitong laro.

Iniwan ni Murray ang third quarter, 6:57 pa matapos magkauntugan si Khem Birch. Sapol si Birch sa bibig, habang si Murray ay agad nilagyan ng tuwalya ang kilay nang itigil ang laro. Parehong nagtungo sa locker room ang dalawa, kung saan si Murray lamang ang bumalik sa laro.

LAKERS SUBSOB SA ROCKETS

NAGTALA si rookie Jalen Green ng career-high 32 points, kasama ang 10 sa overtime, nang ­dagdagan ng Houston Rockets ang kalbaryo ng Los Angeles Lakers sa pamamagitan ng 139-130 win.

Ang Rockets, may pinakamasamang record sa Western Conference, hindi inalintana ang triple-double ni LeBron James at 30 points mula kay Russell Westbrook, para maitakbo ang kanilang ikalawang panalo sa 15 games.

Ikasiyam sunod na talo (road) naman ng Lakers, at ikaanim sa huling pitong laro at ngayon ay nauubusan na ng oras para makabawi bago magsimula ang playoffs.

Si Green, second overall pick, ay binuksan ang overtime period ng layup bago nagdagdag ng 3-pointer at hook shot tungo sa 127-120 count. Nagdagdag si Eric Gordon ng 3-pointer at ­gawing 10 ang lead, nang sa wakas ay ­nakaiskor din ang Lakers mula sa basket ni Westbrook, higit ­dalawang minuto na lang.

Ngunit, gumamit ang ­Rockets ng 6-3 run, kabilang ang 3s ni Kenyon Martin Jr. at Green at ­i-extend ang lead sa 136-125 sa OT at selyuhan ang panalo.

Si James ay may 23 points, 14 rebounds at season-high 12 assists para sa kanyang fifth triple-double sa season. Subalit, ang kanyang career-long streak ng consecutive games na 25 points at naputol sa 23 games, sa gabing 9-of-26 overall at 1-of-9 3-pointers.

Unang laro niya ito matapos umiskor ng season-high 56 points noong Sabado, pero hindi lumaro noong Lunes kontra San Antonio bunga ng sore left knee.

Si Rookie Alperen Sengun ay may career-high 21 points at 15 rebounds para sa Rockets.

Narito ang iba pang games result: Boston Celtics 115, Charlotte Hornets 101; Phoenix Suns 111, Miami Heat 90; Chicago Bulls 114, Detroit Pistons 108; Orlando Magic 108, New Orleans Pelicans 102; Minnesota Timberwolves 132, Oklahoma City Thunder 102; Milwaukee Bucks 124, Atlanta Hawks 115; Denver Nuggets 106, Sacramento Kings 100.

JAZZ MAY ­PABAHAY SA UKRAINIAN REFUGEES

NAG-DONATE ang Utah Jazz ng mahigit 32,200 free nights of housing para sa mga Ukrainian refugees sa pamamagitan ng Airbnb, ayon sa pahayag ng team.

Ang aksyon ng Utah ay ka­sunod ng alok na tulong ng Airbnb na free, short-term housing sa mga Ukrainian refugees na tumatakas sa bansa mula sa Russian invasion noong naka­raang buwan.

“Connection and community have never been more important than it is today,”pahayag ni Jazz owner Ryan Smith sa official statement. “Millions of people have been forced to leave behind their entire lives in Ukraine. Airbnb.org is connecting host families with refugees in need, creating safe havens when so many communities are being torn apart.”

“The Utah Jazz Foundation is honored to partner with Airbnb.org to fund stays for refugees who have fled Ukraine — enough to fill every seat right here in our own house, Vivint Arena, nearly two times over.”

Ang donasyon ay una mula sa NBA team mula nang sakupin ng Russia ang Ukraine, higit dalawang linggo na na ang ­nakakaraan. Sinuspinde ng NBA ang lahat ng business activities nito sa Russia noong nakaraang linggo, kabilang ang digital at broadcast content distribution.

166

Related posts

Leave a Comment