MAY PONDO SA BAKUNA NG 12 TO 17 AGE GROUP

SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakali’t umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager.

Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group.

Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno para matustusan ang 20 billion peso budget na halagang kakailanganin para sa mga menor de edad.

Kaya nga aniya, walang dapat ipag-alala dahil naririyan ang pera na magagamit sa lahat ng mga Pilipinong kailangang mabakunahan.

Sinasabing 12 to 15 ang age group na pwedeng bakunahan ng Pfizer habang ang Sinovac naman ay nasa 12 to 17. (CHRISTIAN DALE)

135

Related posts

Leave a Comment