MDC 3X3 HUMAHATAW

3-ON-3

OVERTYM-2UMUSBONG ang isa na namang organisasyon na tiyak na makahuhubog ng mga kabataang basketbolista sa bansa.

Matatag na umaarangkada sa kasalukuyan ang MDC 3×3 basketball tournament na itinatag noong nakaraang taon lang.

Bagama’t bago sa pandinig ang MDC 3×3 na isinakatuparan noong Oktubre 2019, inamin ng founder na si Maricel Diaz Clemente na target lamang ng kanilang grupo na magtayo at makibahagi sa grassroots program na matagal nang pinagkakaabalahan ng iba’t ibang sports officials sa Pinas.

Dahil usung-uso at kinagigiliwan  ng mga mahihilig na kabataan sa basketball ang 3×3 tournament kaya’t naisipan ni Maricel na buuin ang programang ito para sa kapakinabangan ng iba pang manlalaro na nais maibahagi ang kanilang talento sa sports na ito.

Ilang buwan pa lamang itong nagsisimula ngunit mabilis ang pag-angat ng torneo kung saan humahataw na ang mga laro ng MDC 3×3 basketball sa Roxas City, Bacolod, Iloilo, Palawan, Negros, Baguio, Pangasinan, Quezon City, Las pinas, Sta.Lucia, Lucena, Iligan, CdO, Cabanatuan, Cavite, Leyte at Butuan.

Mayroong bracket ang MDC 3×3 basketball tournament na tulad ng 10 Under born 2009, 12 U born 2007, 15 U born 2004, 18 U born 2001 sa boys, at 18 U born 2001, 21 U born 1998 na open namam sa mga kababaihan.

Ang mga magkakampeon sa bawat lugar ay magtatagpo sa National Finals na gaganapin sa Marikina Sports Complex sa Mayo 11.

Ang MDC 3×3 basketball tournament ay binubuo nina Maricel Diaz Clemente, president at Jessica Diaz Clemente, vice pres. ng MDC Sports Inc., Tobee Diaz Clemente, vice. pres. ng MDC 3×3 basketball, at coach Goy Bagares, siya rin MDC 3×3 basketball operation at sports operation head.

Sa inyong lahat na bumubuo sa MDC, makakaasa kayo na kaisa nyo ang Obertaym sa inyong magandang mithiin. Mabuhay po kayo!

oOo

Nakatuon sa mga bigating proyekto ang Games and Amusement Board (GAB) at ito ang patuloy na pakatututukan ni hard-working chairman Abraham “Baham”Mitra para sa 2020.

Ilalahad ni Chair Baham ang mga nakanay na programa ng GAB sa pagbubukas ng ika-51 edisyon ngayong 2020 ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros,  Manila.

Ibabahagi ni Mitra ang kanilang mga plano para sa ‘government supervisory agency’ sa professional sports sa public service program na iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club,  PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Ang TOPS “Usapang Sports” ay magsisimula sa ganap na alas-10:00 ngayong umaga ay mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

Ang TOPS ay kinabibilangan ng mga mamamahayag sa isports ng mga pangunahing tabloid sa Pilipinas. (OBERTAYM / Ni Dennis Inigo)

187

Related posts

Leave a Comment