MERALCO, PINAIGTING ANG SERBISYO NG KURYENTE SA TAGUIG AT MAKATI

Pinasinayaan ng Manila Electric Company (Meralco) ang bagong Fort Bonifacio Global City-2 Gas Insulated Switchgear (GIS) Substation upang matugunan ang lumalaking demand sa kuryente ng mga customer nito sa lungsod ng Taguig at Makati.

Ang prokeytong ito ay nagdadagdag ng 83 megavolt ampere (MVA) power transformer at 34.5 kilovolt (kV) GIS na makatutulong upang masiguro ang maasahang serbisyo ng kuryente sa Bonifacio Global City at ilang bahagi ng Makati.

Matutulungan din nito ang mga malalaking customer tulad Department of Energy, St. Luke’s Medical Center, Philippine National Oil Company, Market! Market! at Serendra.

Patuloy na namumuhunan ang kumpanya sa mga proyekto na makapagpapabuti ng kalidad ng serbisyo ng kuryente para sa mga customer nito.

14

Related posts

Leave a Comment