114K ‘MAKATIZEN’, TUMANGGAP NA NG P5K CASH AID  

UMAABOT sa 114,828 residente ang tumanggap ng P5,000 ayuda mula sa lungsod ng Makati sa loob lamang ng isang linggo makaraang ipatupad ang Makatizen Economic Relief Program (MERP), bilang tulong sa mga apektado ng may COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mayor Abby Binay, gumamit sila ng digital platforms na GCash sa pagsasagawa ng contactless cash assistance delivery upang maipaabot ang tulong pinansyal sa mga residente kaya naging mabilis ang pamamahagi ng ayuda.

Kwalipkado sa MERP ang 18 anyos at pataas na mga residente ng Makati City o residente ng relocation sites sa pamamahala ng San Jose del Monte City, Bulacan at Calauan, Laguna, na may Makatizen Card, o Yellow Card, o botante ng Makati.

Umaabot naman sa mahigit 250,000 applications ang natanggap ng City Hall, 142,267 dito ang naaprubahan simula nang ianunsyo ni Mayor Binay ang naturang programa.

Dahil naman sa kulang at maling impormasyon na isinumite ng mga aplikante, nasa 10,000 application ang na-reject ng GCash. (DAVE MEDINA)

68

Related posts

Leave a Comment