14 TULAK, ADIK TIKLO SA QC

ARRESTED DRUGS-2

Nakatiklo na naman ang labingdalawang istasyon ng pulisya ng Quezon City Police District (QCPD) ng labing apat na drug personality sa lungsod.

Ayon sa public information office ng QCPD, araw-araw nakahuhuli ng mga tulak at adik ang mga tauhan ng QCPD.

Ang pinakabago batay sa ulat ay 14 kung saan ang pinakamatanda sa mga nadakip ay si Jesus Encinas, 67-taong-gulang na naniniraha n sa Brgy. Manresa.

Nahuli si Encinas, kasama ang 48-anyos na si Edgar Balajia, ng mga tauhan ng presinto 1 habang humihigop ng shabu sa No. 7 Orchid Alley, Biak Na Bato St. sa Brgy. Manresa bandang 7:30 p.m.

Ang pinakabata naman sa mga nasakote ay ang 20-anyos na si Mathew Bravante.

Si Bravante na naninirahan sa Brgy. Bago Bantay ay nahuli ng mga tauhan ng Kamuning Police Station na humihithit ng marijuana kasama ang 22-taong-gulang na Alcris Jesimiel.

Sila ay bahagi ng 14 na nadakip ng labingdalawang istasyon ng QCPD mula hapon ng Disyembre 1 hanggang bago sumapot ang 6:00 a.m. kanina.

Sasampahan sila ng kaso bukas dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.

6

Related posts

Leave a Comment