2 BINATA PINAULANAN NG BALA SINAKSAK PA

(Ni CHE ALMADIN)

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang binatilyo na pagbabatuhin ng grupo ng mga kalalakihan at saksakin ng isa sa mga ito sa tapat ng isang hotel Lungsod ng Caloocan kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas – 2:00 pasado ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tapat mismo ng Astrotel Hotel  sa Samson Road, Barangay 74 ng nasabing lungsod.

Nabatid na nasa labas ng nasabing hotel ang biktimang si Jericho Manlangit, 18 anyos, construction worker, binata ng Barangay Dampalit, Lungsod ng Malabon kasama ang kaibigang si Yuriko Acosta, 23 anyos, binata, welder fitter fabricator ng Flores Street, Barangay Hulong Duhat ng parehong lungsod nang bigla na lamang pagbabalibagin ng bato ng grupo ng mga kalalakihang nagtatawanan pa.

Ilang  dandali pa ay isa sa mga suspek ang lumapit at sinaksak sa likod si Manlangit saka mabilis na nagsitakas.

Agad namang naisugod sa Manila Cental University Hospital ang biktima ng kanyang kasama na ngayon ay nasa kritikal na kundisyon.

Napag-alaman naman sa ilang mga tambay din sa lugar na talaga umanong nagti-trip ang mga kalalakihang iyon sa tuwing may nakikitang lumalabas sa nasabing hotel.

Inakala umano siguro ng mga ito na galing ang biktima at kasama nito sa loob kaya sila pinagbabato.

Tinutugis sa kasalukuyan ang mga suspek habang patuloy pa ring inoobserbahan ang kalagayan ng biktimang si Manlangit.

15

Related posts

Leave a Comment