2 TIMBOG SA BOOKIES

ARESTADO sa mga tauhan ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District, ang dalawang indibidwal sa kasong operasyon ng bookies sa San Agustin Street, Barangay 540, Sampaloc, Manila noong Biyernes gabi.

Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Jaydee”, dalaga ng Navotas City, at “John Louie”, 37, tricycle driver, ng Quezon City.

Ang isa sa mga suspek ay staff ng bookies habang ang isa ay mananaya.

Nakumpiska mula sa mga ito ang P400 halaga ng taya, isang Dividendazo “Programa”, betting list, ballpen, at isang bundle ng blank betting tickets.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na inamiyendahan sa Republic Act 9287. (RENE CRISOSTOMO)

41

Related posts

Leave a Comment