3 ARESTADO SA ATTEMPTED HOMICIDE SA TONDO

ARESTADO ang tatlong suspek sa kasong attempted homicide sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, sa Perla St., Brgy. 68, Tondo, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Ronett “, “Jonalyn”, at “Karen”.

Base sa ulat ni Police Captain Jayson Viola, hepe ng Intelligence and Warrant Section, magkakasunod na nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Karla Funtila Abugan, ng Regional Trial Court Branch 17 ng Manila.

(RENE CRISOSTOMO)

30

Related posts

Leave a Comment