AI, DEEPFAKES IPAGBABAWAL SA KAMPANYA – COMELEC

INIHAYAG ni Commission on Elections Chairman George Garcia na kukumbinsihin niya ang Comelec en banc na ipagbawal sa kampanya ang paggamit ng deepfakes at AI (Artificial Intelligence).

Ayon kay Garcia, marami ang nalilito, nagkakaroon ng misrepresentation at maraming hindi makatotohanang nangyayari kapag ginagamit ang AI.

“Alam po natin ang modern technology. Bakit ba hindi?” saad ni Garcia subalit kailangan aniya na kapag kampanya ay nakikita mismo ng sambayanan ang mga kandidato.

Dahil dito, nais ni Garcia na mapakinggan ang saloobin ng en banc kaugnay sa isinusulong niyang pagbabawal sa paggamit ng AI at deepfakes sa nalalapit na kampanya. (JOCELYN DOMENDEN)

48

Related posts

Leave a Comment