(NI MAC CABREROS)
NAILATAG na ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang mga hakbangin para sa tradisyunal na Alay Lakad kung saan daragsa ang mga manampalataya ngayong Maundy Thursday.
Libu-libong devotees mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at maging karatig lalawigan ang maglalakad patungong Antipolo Cathedral hapon ng Huwebes bilang panata kada Semana Santa.
Abiso ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na sarado sa motorista ang patungong Antipolo na bahagi Ortigas Avenue Extension mula Cainta junction ganap alas-8:00 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-6:00 ng umaga ng Biyernes.
Samantala, mag-Alay Tubig ang socio civic group na Pugad Lawin Philippines Inc., para matighaw ang uhaw ng mga mag-alay lakad.
177