BAGETS KRITIKAL SA GULPI AT SAKSAK NG MGA BINATILYO

(Ni CHE ALMADIN)

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang 13 anyos na binatilyo matapos na pagtulungang gulpihin at saksakin ng kapwa mga menor de edad sa Lungsod ng Navotas kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Navotas City Police ay ganap umanong alas – 11:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Magat Salamat Street, Barangay Daanghari ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umanong naglalakad  mag-isa ang biktimang itinago sa pangalang Frodo, grade 7 at resi-dente ng Barangay Daanghari ng parehong lungsod nang bigla na lamang na palibutan ng apat na mga kabataang lalaking itinago sa mga pangalang Ruel, Hanz, Ian, pawang mga 15 anyos at Joel, 16 anyos at saka inumpisahang gulpihin.

Nang halos lumpaypay na ang biktima ay bumunot ng patalim Si Hanz at tinarakan sa likuran ng kanyang ulo ang biktima.

Agad namang nasaklolohan ng ilang residente ang biktima at isinugod sa Navotas City Hospital na ka-launan ay inilipat din sa Jose Reyes Medical Center na ngayon ay nasa kritikal na kalagayan.

Mabilis ding naaresto ang mga nagtrip na suspek na aminadong napagdiskitahan lang talaga nilang gulpihin ang biktima.

Nasa Navotas City Social Welfare and Development Office na rin ang mga suapwk at nahaharap sa ka-song frustrated homicide.

7

Related posts

Leave a Comment