BAGONG NCRPO CHIEF IPAGPAPATULOY ANG LABAN SA DORGA

Brigadier General Debold Sinas

(Ni LYSSA VILLAROMAN)

Nangako ang bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brigadier General Debold Sinas na kanyang ipagpapatuloy ang kampanya ng kapulisan laban sa illegal na droga.

“The anti-illegal drugs operations will remain in focus with the strengthening and revitalization of units involved in law enforcement and apprehension of high-value targets,” pahayag ni Sinas sa isinagawang change of commands sa NCRPO.

Pinalitan ni Sinas si Major General Guillermo Eleazar na itinalaga naman bilang hepe ng directorial staff ng PNP.

Si Eleazar ay isa sa apat na  contender bilang bagong PNP chief.

Si Sinas na galing sa Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987, ay nagpahayag din na kanya ring ipatutupad ang mahigpit na disiplina sa kapulisan sa loob ng lahat ng kampo kasama na ang lahat ng police stations at presinto sa area of responsibility ng NCRPO.

“Police personnel who face criminal and/or administrative cases filed against them while in the performance of official duties can expect direct legal assistance,” ani Sinas.

Inihayag din ni Sinas na kanyang ipagpapatuloy ang mga naumpisahang kampanya laban sa lahat ng krimen at pagbabago sa kapulisan ni Eleazar.

“I think they are good, they are fine so ‘yung iba lang kailangan i-enhance, ‘yung iba kailangan ire-align then we will do it. Wala akong bagong i-implement,” ayon kay Sinas.

136

Related posts

Leave a Comment