BAGYONG FALCON LALONG LUMAKAS

LUMAKAS pa ang Bagyong Falcon habang nananatili sa Philippine waters.

Huli itong namataan kahapon sa layong 1,205 km sa silangan ng Central Luzon.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga kaya hindi ito inaasahang tatama sa alinmang bahagi ng bansa.

Taglay ng tropical storm Falcon ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 90 km/h.

Ito na ang ika-anim na sama ng panahon na pumasok sa Philippine area of responsibility.

Samantala, umabot sa P1.1 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng nagdaang Bagyong Egay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 155 imprastraktura sa kabuuan ang napinsala na pinakamarami ay mula sa Region 2 na sinundan ng Region 1, MIMAROPA, Region 5, 12, 6, 11 at BARMM.

Mayroon ding nasirang government facilities, mga sasakyan at educational materials.

Winasak din ng bagyo ang nasa halos 10,000 kabahayan kung saan 9,248 dito ang partially damage at 376 ang totally damage. (JESSE KABEL RUIZ)

156

Related posts

Leave a Comment