BEBOT KULONG SA P.2-M SHABU

KALABOSO ang isang 40-anyos na babae nang makumpiskahan ng P170,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Inaresto si Jocelyn Otano alyas “Josephine”, sa operasyon sa Riverside, Phase 12, Brgy. 188, ng lungsod, matapos ingusong nagtutulak umano ng shabu.

Isang undercover cop ang nakaiskor ng P7,500 halaga ng umano’y shabu mula sa suspek kaya dinamba ito ng mga parak.

Nakuha sa pag-iingat ni Otano, ang 25 gramo ng hinihinalang shabu, at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

26

Related posts

Leave a Comment