BIGAS NA P42-45 KADA KILO MABIBILI NA SA NCR – RICE RETAILERS

MABIBILI na sa halos lahat ng pamilihan sa National Capital Region (NCR) ang regular at well-milled rice na nagkakahalaga lamang ng P42 hanggang P45 kada kilo.

Ito ay bunga na rin ng inisyatiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibaba ang taripa ng bigas sa bansa sa 15 porsyento.

Bilang patunay, nabatid na nitong Martes ng umaga ay inimbitahan ng Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM), isang malaking organisasyon ng rice traders, si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at iba pang mambabatas para mag-inspeksyon ng presyo ng bigas sa Guadalupe Market sa Makati, Farmers’ Market at Nepa QMart sa Quezon City.

Kasama ni Speaker sa pag-iikot sa mga naturang pamilihan sina ACT-CIS partylist Reps. Erwin Tulfo at Edvic Yap at Quezon province Rep. Mark Enverga.

“Inimbitahan po namin si Speaker (Romualdez) para sa market visit para ipakita sa kanya na lahat ay nagbebenta na ng P42-P45 kada kilo ng bigas. Ang nakita po namin dito na factor yung pagbaba po ng taripa from 35% to 15%,” ayon kay Orly Panuntag, pangulo ng PRISM.

Dagdag pa niya, “So natutuwa po yung mga retailers natin tsaka yung mga consumers po natin meron silang aasahan ngayon na P42 hanggang P45, ibababa pa po namin.”

Labis namang ikinatuwa ni Romualdez ang kapansin-pansin na agarang pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa pagbaba ng taripa.

“Nag-i-inspect lang tayo, minomonitor natin yung presyo ng mga bigas dito talagang makikita natin ang pagbaba ng presyo ng mga bigas sa abot kayang presyo sa masa. Ito yung programa ng ating President Ferdinand R. Marcos Jr., na abot kaya lahat ng presyo,” pahayag pa ni Speaker Romualdez.

Karamihan naman sa mga tindero at may-ari ng bigasan sa mga naturang palengke ay nagpapasalamat sa pamahalaan dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

“Nagpapasalamat po kami at lalo na higit po sa inyong lahat at may dumating na po na mababa,” ayon sa rice trader na si Rey Panganiban.

Pahayag naman ni Arnel Figuro, negosyante ng bigas sa Farmers’ Market, na simula nang ibaba ang taripa ay naging maayos daw ang bentahan ngayon ng bigas.

“Sabi ko nga kay Speaker kanina salamat po sa kanila tsaka kay Pangulo natin kay BBM dahil sa tariff na bagong pinalabas nila na 15% na tariff at least may nakakabangga ang mga imported yung local natin so nababa…. bumaba yung presyo ng bigas kaya may nakukuha tayo na mura mura sana magtuloy tuloy,” ani Figuro.

Ayon naman kay Elaine Cabildo, “Dahil bumaba nga yung bigas marami kaming pwedeng mai-offer na mas mababang bigas kasi nga syempre hirap din sila sa budget kasi nga hindi lang naman bigas ang mahal ngayon”.

“On behalf of the House of Representatives, we welcome this positive development. This is truly in line with the Marcos administration’s commitment to ensuring that food, particularly rice, remains affordable and accessible for all Filipinos,” anang Speaker.

“The reduction in rice prices that we are seeing in these markets is a reflection of our administration’s efforts to stabilize the food supply and protect consumers from price surges. We are hoping that this trend will continue across the country, bringing much-needed relief to Filipino families,” dagdag ng lider ng Kongreso.

Kasama ring nag-ikot sa palengke sina DTI Price Control ASec Agaton Uvero, DA Agribusiness and Marketing Assistance Services Asec Bebang Guevarra, at DTI representatives Dir. Fhillip Sawali, Div. Chief Rosita Jaleco at Asst. Div. Chief Joel Buag.

80

Related posts

Leave a Comment