BIGTIME PUSHER NALAMBAT SA PASAY

NASAMSAM kahapon ng umaga ang halos isang milyong pisong halaga ng shabu laban sa isang bigtime tulak sa buy-bust operation sa Brgy. 51, Zone 8, Pasay.

Sa impormasyon mula kay Southern Police District Director PBGen. Emmanuel B. Peralta, nasamsam sa operasyon ang 136.94 gramo ng shabu na may halagang P931,192.00 street value.

Positibong kinilala ni PBGen. Peralta ang dinakip na suspek na si Nicole Lim, alyas Cocoy, residente ng No. 2164 P. Dan Dan St., Brgy. 51 Zone 8, Pasay City, na kabilang sa Drug Watchlist ng Pasay City Police Station.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes nang isagawa ng mga operatiba ng Pasay City Police Station SDEU sa pangunguna ni PCpt. Cecilio G Tomas Jr. at ng Police Sub-Station 1 na pinamumunuan ni PCpt. Jonar P Cardozo ang buy-bust sa nabanggit na address laban kay alyas Cocoy.

Nang tanggapin ni Cocoy ang P1,500.00 marked money mula sa police poseur buyer ay ibinigay ang hudyat ng pagsalakay kaya agad ito naaresto at nakuha sa kanya ang 35 pirasong transparent plastic sachet na mayroong 136.94 gramo ng shabu na may halagang P931,192.00.

Inihahanda na ng Pasay City Police na pinamumunuan ni PCol. Dilag ang isasampang kaso ng laban kay alyas Cocoy. (DAVE MEDINA)

245

Related posts

Leave a Comment