BINATA BINITBIT SA DROGA

BINITBIT ng mga operatiba ng District Intelligence Division 2 ng Special Mayor’s Reaction Team (DID-2 SMaRT) ang isang 20-anyos na binata sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ilegal na droga, sa Smokey Mountain, Barangay 128, Zone 1, Tondo, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Ruzzel Gonzales, jobless, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng SMaRT, bandang alas-1:00 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag, ng Regional Trial Court Branch 9 ng Navotas City, sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

106

Related posts

Leave a Comment