CHILD LABOR CASES BUMABA NOONG 2022

BUMABA ang bilang ng mga kaso ng child labor noong taong 2022, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), kasama ang National Council Against Child Labor (NCACL), kasabay ng pagpapaigting ng kampanya laban dito.

Ayon sa Special Release on Working Children Situation na inilathala ng Philippine Statistics Authority noong Hulyo 25, 2023, nabatid na 828,000 bata ang nasangkot sa child labor noong 2022, 56% ng 1.48 milyong batang nagtatrabaho.

Mas mababa ito kumpara sa bilang ng child laborer noong 2021 na 935,000. Habang ang bilang ng mga batang nagtatrabaho noong 2022 ay mas mataas kaysa 1.37 milyong mga batang nagtatrabaho noong 2021, bumaba naman ang porsyento ng mga child laborer noong 2022.

Ang pinakamababang edad sa ilalim ng umiiral na batas, ay 15 na maaaring makapagtrabaho sa bansa.

Dahil dito, ang mga kabataang nasa 15 hanggang 18 taong gulang ay legal na pinapayagang magtrabaho sa kondisyon na ang kanilang trabaho ay hindi dapat makagambala sa kanilang pag-aaral.

Ang child labor ay anomang trabaho o pang-ekonomiyang aktibidad na maituturing na pagsasamantala sa isang bata o nakapipinsala sa kanyang kalusugan at kaligtasan, pisikal, mental, o psychosocial na pag-unlad.

Ngayong 2023, binabantayan ng DOLE Regional Offices ang kalagayan ng mga na-profile na child laborers sa pamamagitan ng pagsasagawa ng field visits upang subaybayan ang kanilang pag-unlad at mabilis na maialis sila mula sa child labor. (RENE CRISOSTOMO)

308

Related posts

Leave a Comment