CHINA-MADE MRT3 TRAINS SASAILALIM SA TEST DRIVE

(NI KIKO CUETO)

SASAILALIM na sa test drive sa Metro Rail Transit Line 3 ang isa sa mga kontrobersyal na tren na gawa ng Chinese company na Dailan.

Sinabi ni MRT-3 Director Michael Capati na isang tren na may tatlong coaches ay kanilang idedeploy ng alas-8:30 p.m. – 10:30 p.m. ngayong Martes.

Kung tuluyang pumasa at gumana ay maaari itong magsakay ng 1,050 passengers.

Bumili ang Aquino administration ng 48 Dalian trains sa halagang P3.8 billion, karamihan ay hindi magamit dahil sa problema sa compatibility sa train tracks.

Na-delay ang deployment ng Dalian trains nang sumailalim ang MRT sa go-signal ng Japanese firm Sumitomo Corp, na siyang nakakontrata na magrerehabilitate sa MRT line at mapanatili ang 72 coaches.

Naunang sinabi ni Transportation Undersecretary Timothy Batan na ang pamahalaan at ang Sumitomo ay kailangan na mag-negotiate ng bagong kontrata kung ang 48 coaches na gawa ng China Dalian Corp. ay ipapasok sa MRT.

 

174

Related posts

Leave a Comment