CLEARING OPERATION ISINAGAWA SA MAYNILA

NAGSAGAWA ng malawakang clearing operation ang mga tauhan ng Manila Police District sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard, mula sa ilalim ng tulay ng Delpan hanggang sa 25th Street (southbound) sa Port Area, Manila nitong Miyerkoles ng umaga.

Dakong alas-7:00 ng umaga nang simulan ng 30 tauhan ng Tactical Motorized Riders’ Unit (TMRU), sa pangunguna ni Police Captain Joseph Egaña, at 130 pang pulis sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Baseco Police Station 13, ang paglilinis.

Nilinis ang magkabilang kalsada upang mapanatili ang ‘zero obstruction’ sa kahabaan ng Mabuhay Lanes, ayon sa direktiba ni Manila Vice Mayor Yul Servo.

Nagpasalamat naman sa mga pulis si MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa matagumpay at payapang operasyon. (RENE CRISOSTOMO)

78

Related posts

Leave a Comment