COA MATAPANG LANG SA GOV’T CLERKS

LUMALABAS na matapang lang umano ang Commission on Audit (COA) sa mga government clerk pero takot ang mga ito sa matataas na opisyales ng gobyerno na hindi sumusunod sa kanilang sariling circular hinggil sa pag-liquidate ng Confidential Funds (CF).

Ito ang pahayag ni dating Congressman Neri Colmenares matapos aminin ni Ombudsman Samuel Martires na mula nang maupo siya sa nasabing pwesto noong 2018 ay hindi siya nagsusumite ng resibo sa COA kung papaano nito ginamit ang kanyang CF.

“Pagpaumanhin po ninyo pero mula po nang ako’y maging Ombudsman, wala pong nagsabi sa akin na mag-submit po kami ng resibo dahil paano ko po reresibuhan ang isang intelligence officer na sinuyo ko tingnan ang isang bagay o isang kaso?” ani Martires sa budget hearing ng kanyang tanggapan noong Lunes.

Labis itong ikinadismaya ni Colmenares dahil malinaw aniya sa COA-DBM Joint Circular 2015-01 na kailangan may resibo at supporting documents ang paggamit ng CF bukod sa dapat ay may kasama itong certification ng ahensya.

“COA should also be held answerable for not demanding that civilian agencies like the Ombudsman, are not given an AOM for failure to provide receipts or supporting documents of payment through the years as required by the COA itself in their own circular,” ayon sa dating mambabatas.

Marahil aniya kaya umaabuso ang matataas na lider ng bansa sa paggamit ng nasabing pondo, ay dahil mismong ang COA ay hindi ipinatutupad ang sariling batas at malamya ang mga ito sa makapangyarihang tao tulad ni Vice President Sara Duterte.

“I have not read of a COA notice of disallowance with regards CF spending. Mahigpit sila sa mga ordinary government clerks pero takot ang COA kay Sara Duterte. So, wala talagang auditing na nangyayari sa CF kaya nawiwili ang mga civilian agencies na humingi nito para mawaldas nila ang CF na wala man lang audit,” ayon pa kay Colmenares.

Nababahala naman si ACT Party-list Rep. France Castro na mismong si Martires na siyang naatasang labanan ang katiwalian sa gobyerno, ay hindi sumusunod sa circular ng COA hinggil sa pagsusumite ng resibo kung papaano ginamit ang kanilang CF.

“This is truly alarming considering that the Ombudsman himself who is supposed to guard against abuse and corruption of government officials himself does not liquidate his confidential funds and says that it is impossible to do so because of the confidential nature of the funds,” ani Castro.

Mula 2018 hanggang 2022, umabot na sa P52,763,000 ang CF ni Martires, kung saan P88,778,000 sa nasabing halaga ang kanyang nagamit at muling hihingi ng mahigit P51 million para sa susunod na taon.

(BERNARD TAGUINOD)

261

Related posts

Leave a Comment